Asong nag 1-2-3 sa jeep sa Cebu para hanapin ang amo, nag viral

Asong sumakay sa jeep para hanapin at sundan ang kanya amo / photo collage by Abante




Viral ngayon sa social media ang video ng asong si ‘Vince’ sa Cebu na sumakay ng pampasaherong jeep upang sundan ang kanyang amo.

Kwento ng netizen na si Nova Tapuyao, nakunan ng video ng kanyang kapatid ang aso nang bigla itong sumakay sa may Capitol.

Makikita sa video ang tuwa at pagtataka ng ilang mga pasahero sa loob ng jeep habang nakadungaw sa labas ng bintana at parang may hinahanap ang aso.



Nang huminto sa stop-light ang mga sasakyan sa intersection ng Gudalupe-Banawa, nagulat ang mga taong nasa multi-cab na katabi ng jeep dahil alaga pala nila ang aso.

"Ali diri, naboang, dali, (halika ka rito, kaloka, bilis)” ayon sa ginang na bumaba ng multi-cab para kunin ang alaga.

Dahil sa sobrang cute ng aso sa video, umani ito ng maraming positibong reaksyon na nagpakita ng katalinuhan. Ang ilan nga ay nagbiro pa na nakalimutan ng aso na magbayad ng kanyang pamasahe.

Sa ngayon may 1.2 million views na ang naturang video sa Facebook at 29, 186 shares.










Source: ABS CBN



Post a Comment

0 Comments