Pangulong Duterte, ipamamahagi na ang land titles sa Boracay tribe — DAR


President Rodrigo Duterte / photo from Rappler



Manila, Philippines – Ipamamahagi na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Certificates of Land Ownership Award (CLOA) sa mga tribo ng Ati sa Boracay sa darating na November.

Ayon sa report ng CNN Philippines, kinumpirma ito ng Department of Agrarian Reform (DAR) Undersecretary Emily Padilla at DAR Region 6 Director Stephen Leonides.

Sinabi rin ng DAR officials na ito ay nakatakdang ipamahagi sa November 8.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni DAR Secretary John Castriciones na maari nang i-occupy ng Ati tribe ang lupain na nakalaan sa kanila.

Ang move na ito ay naayon sa naunang statement ng pangulo na kanyang ilalagay ang sikat na Boracay Island sa ilalim ng land reform.

Ayon din sa report, kasalukuyan nang inaayos ng mga opisyal ang Registry of Deeds para mai-award na ang mga lupain sa nasa 48 na miyembro ng Ati tribe.

Ang pamahalaan ay kasalukuyang tinitingnan rin eligibility ng mga taga Tumandok tribe sa lupain.

Samantala, ayon kay Department of Environment and Natural Resources Undersecretary Jonas 
Leones, ang malaking bahagi ng isla ay ipamamahagi sa 31 na katutubong pamilya.  

Ayon pa kay Leones, nasa 7.8 hectares ng lupa ang ipamimigay bago mag pasko.


Source: CNN Philippines

Post a Comment

0 Comments