Mga magulang nabahala sa "Banana Rice tereces" na nakasulat sa libro ng anak

Larawan mula sa ulat ng KAMI website




Nabahala ang ilang mga magulang sa isang pribadong paaralan sa Baguio City nang makita sa isang libro na ginagamit ng kanilang mga anak ang maling impormasyon na nakasulat rito.

Ayon sa isang ulat ng website na KAMI, hindi napigilan nang isang magulang na itinago sa pangalang Esther ang madismaya sa nalaman.

Makikita sa libro ang “Banana Rice tereces” na dapat sana ay Banaue Rice Terraces.

Nabahala umano ang mga magulang na nakapansin ng maling nakasula lalo pa at pribado ang pinapasukan ng mga anak.

Importante and usapin ito sapagkat tila walang kalidad ang librong gingamit sa paaralang ito na makikita raw sa pahina 103 ng aklat sa MAPEH.

Di maalis sa magulang ang pangamba na tumatak sa isip ng mga anak ang maling impormasyon na mali pa ang baybay.

Ayon din sa ulat, nakarating na rind aw umano ang isyu na ito sa Department of Education at nakita na rin nila mismo ang pagkakamaling ito sa aklat.

Naghain na rin daw umano ang DepEd noong Setyembre 28 ng memorandum na nagsasabing kailangang mabusisi muna ang mga impormasyon sa mga aklat bago ito ilathala.

Ang mga paaralan na lalabag umano sa panukalang ito ng DepED ay di maaring bigyan ng permit para mag operate.

Noong nakaraang taon ng 2017, maalalang nagkaroon na rin ng pagkakamali o “error” na nasusulat sa isang aklat, na kung saan ay nilarawan ang mga igorot na maliit, maitim at kulot ang buhok.

Ayon naman sa regional office ng DepEd ay naresolba na ang naturang pagkakamali noong taon din na iyon.



Source: KAMI

Post a Comment

0 Comments