Naging malisyosa umano ang showbiz reporter na si Gretchen
Fullido sa mga natatanggap niyang text messages mula sa dalawang executive ng
ABS CBN kung kaya’t akala niya ay mina-manyak siya ng mga ito.
Ito ang naging depensa ni Maricar Asprec, segment
producer ng “TV Patrol”, isa sa inakusahan ni Fullido ng sexual harassment
kasama ang news executive na si Cheryl Favila.
Bago nagsampa ng reklamo si Fullido sa Quezon City Regional
Trial Court (RTC), nagbigay umano ng paliwanag ang dalawang inakusahan kay
Regina Reyes, Head of Integrated News, noong iniimbestigahan pa lang ng ABS-CBN
ang nasabing eskandalo.
Ayon sa kopya ng counter-affidavit at counter complaint na
inihain ni Asprec, binaggit nitong normal lang umano ang lambingan sa network,
lalo na sa News Department, kaya’t balewala lang sa kanila ang mga yakap at
halik.
Pinauso umano ng “It’s
Showtime” host na si Vice Ganda ang mga salitang “Pa-kiss” dahil sa ito
ang biro nya sa mga kabardakang lalaki, ayon kay Asprec.
“Yung mga biro
katulad ng ‘puwede pa-kiss or kiss na lang daw’ ay mga normal na salita na
ginagamit ko, ng mga kaibigan ko at ng ibang tao sa newsroom. Hango ito sa mga
joke nina Vice Ganda at Roderick Paulate kung saan sinasabihan nila ang
kanilang mga kaibigang lalake ng ‘Pre, pa-kiss nga’. Parte ito ng lokohan at
lambingan naming sa Newsroom.” Paliwanag ni Asprec.
“I don’t understand
bakit binibigyan ng malisya ni Gretchen ‘yun,” ayon sa bahagi ng affidavit nito
Samantala, ayon naman
sa affidavit ni Favila at counter complaint nito, binigyan lang umano ni
Fullido ng ibang kahulugan ang pahayag niyang gusto niya itong maging “Thursday
Girl.”
Aniya, binansagan din
niyang “Thursday girls” sa post niya sa Instagram ang mga nakasama sa inuman
tulad nina Doris Bigornia, Nadia Trinidad, Tere Salvacion at Bettina
Magsaysay. At may iba din siyang nakasama naman sa lakaran na tinawag
niyang “Tuesday Girls.”
0 Comments