Kaya naman pala! 5 rason kung bakit diumano iniwan ni Regine Velasquez ang GMA at lumipat sa ABS-CBN



Regine Velasquez pumirma na ng kontrata sa Kapamilya network



Ang paglipat ni Asia’s song bird Regine Velasquez sa ABS CBN ay tlaga namang nakakagulantang para sa marami.

Si Regine ay maituturing na isa sa mga naging haligi ng Kapuso network na naging tahanan niya sa loob ng 20 taon.

Nakumpirma ang paglipat ng song bird nang ito nga ay pumirma na ng kontrata sa ABS CBN. Ngunit ano nga ba ang dahilan ng kanyang paglipat?

Sa isang report ng KAMI website ay binanggit ang mga sumusunod na kadahilanan:

Impluwensya ng asawang si Ogie Alcasid

Ayon sa isang statement umano sa pamamagitan ni Lilybeth Rasonable, nag desisyon si Regine na sundan si Ogie sa Dos.

Magandang offer ng Kapamilya

 Ayon umano sa isang insider, magiging coach/judge si Reg sa susunod na season ng The Voice Philippines at papalitan either si Sarah Geronimo o si Bamboo.

Kanya rin daw pangungunahan ang ASAP show. Mayroon din umanong teleserye na ibibigay na project kay Regine kasama si Piolo Pascual at isang talk show kasama ang mega star na si Sharon Cuneta.

Reunion kasama ang datihang taga Kapuso

Nasa ABS CBN na ang mga taga S.O.P na sina Jolina Magdangal, Karylle, Jaya, Jay R, Kyla atbp.

Proyektong pelikula

Kasama sa nabanggit ang nasa dalawa o tatlong movies na inoffer kay Regine na gagawin nya under Viva Films.

Malaking talent fee

Ayon sa mga kumakalat na balita, tumataginting na PHP .5 Billion daw ang talent fee ni Asia's songbird para mag-join sa ABS-CBN. 


Ogie Alcasid at Regine Velasquez / larawan mula sa Instagram


Source: KAMI

Post a Comment

0 Comments